
Drug suspek nasukol sa Batangas
NASAKOTE noong Huwebes ang isang suspek sa pangangalakal ng ilegal na droga sa Brgy. Malaruhatan, Lian, Batangas.
Naaresto ang akusado na si alyas Fritzie, 40, alas-9:50 ng umaga noong, ayon sa report. Nahaharap siya sa mga kaso dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165).
Ang akusado nasa kustodiya na ng Lian police.