
Drug suspek huli sa shabu, boga, bala
KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Arestado noong Sabado ang isang suspek na tulak ng droga sa police operation sa Brgy. Muzon, San Juan, Batangas, ayon sa report kay Batangas police director P/Col. Jacinto Malinao, Jr.
Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng San Juan police sa pakikipag koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagresulta sa pagkaka-aresto sa suspek na si alyas Anthon.
Narekober ng mga otoridad ang 7 gramo ng shabu at nagkakahalaga ng P47,600, buy-bust money, isang caliber .45 pistol, isang magazine, anim na bala at apat na P1,000.