
Drug suspek arestado
ISANG drug suspek ang naaresto ng mga pulis sa buy-bust sa Davao City kamakailan lamang.
Nakilala ang natiklo na si alyas na Brian, 27, ng Phase 1, NHA, Bangkal, Davao City.
Ayon kay Police Major Ma. Teresita Gaspan, station commander ng Ma-a Police Station, nadakip ang suspek sa Purok 26-A, Riverside Bypass Road sa Brgy. Ma-a habang nagbebenta ng droga sa undercover officer.
Nakuha sa suspek ang 1.30 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P8,840.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). Kasama si Alfred Vergara