
Drivers, operators na di nag-consolidate mag-enrol sa Tsuper Iskolar, Entsuperneur programs–DoTR sec
SINABI ni Transportation Secretary Jaime Bautista na bukas sa mga public utility vehicle (PUV) operators at drivers na hindi nakapa-consolidate ang Tsuper Iskolar at Entsuperneur programs ng pamahalaan.
Ayon kay Bautista, maaaring mag-avail ng programa ang mga driver at operator para sa free skills training, skills assessment at entrepreneurship training bilang alternative sources of income.
“Mayroon tayong program na tinatawag na Entsuperneur at Tsuper Iskolar na tuturuan sila ng TESDA and give them training for other livelihood opportunities,” sabi ni Bautista sa Travel Talk 2024.
“Yung mga hindi na makapag-operate, we are happy to give them training for other sources of livelihood,” dagdag ng opisyal.
Sa ilalim ng Tsuper Iskolar initiative, ang mga benepisyaryo bibigyan ng scholarship grants at skills training para palakasin ang kanilang kabuhayan alinsunod na rin sa Public Transport Modernization Program (PTMP).
Ang EnTSUPERneur program binuo sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na naglalayong mabigyan ng ibang pagkakakitaan ang mga driver at operator.
“Sa mga hindi pa nagco-consolidate, they can still join [cooperatives].
Hindi lang sila pwede mag-operate. But they can work, they can apply, join existing cooperatives or corporations,” diin ni Bautista.