Krishnah Larawan: Krishnah Gravidez/IG

Dressing sa dressing room

April 1, 2025 People's Tonight 136 views

NAGNINGNING sa kagandahan at kaseksihan ang beauty queen na si Krishnah Gravidez sa kanyang pasabog na dressing room snaps!

Suot ang one-piece outfit na nagpakita ng kanyang hubog at see-through gloves na nagdagdag ng misteryo sa kanyang pamatay na aura, walang palag ang netizens sa kanyang nagbabagang confidence.

“Was a dream, now a reality…” ani Krishnah sa kanyang caption. Pero para sa kanyang mga tagahanga, hindi ito panaginip kundi isang nakakalulang katotohanan — sobrang ganda, sobrang hot!

Hindi na kinaya ng netizens! “Ang ganda mo naman mapagod!” hirit ng isang fan na parang binagsakan ng good looks ni Krishnah. Isa naman ang napaamin ng, “Too much for me to handle!” — kasi nga, hindi basta-basta ang alindog ni Queen K.

AUTHOR PROFILE