Murder DUROG KAYO–Tiniyak ni Quezon police director Col. Ledon Monte sa mga mamamahayag na ginagawa ng SITG ang lahat para mabilis na maresolba ang kaso sa pagpaslang sa mag-ina sa Quezon.

Double murder vs 4 Japanese killers ready na–Quezon police

March 19, 2024 Gemi Formaran 278 views

LUCENA CITY–Magsasampa na ng kasong double murder ang Special Investigation Task Group (SITG) “Motegi” na binuo ng Quezon Police Provincial Office laban sa apat na suspek sa brutal na pagpatay sa babaeng Japanese national sa Tayabas City.

Sa isang press briefing, sinabi ni Quezon police director Col. Ledon Monte na may sapat nang mga testigo at ebidensya ang SITG “Motegi” laban sa hindi bababa sa apat na suspek.

Bukod sa nakatatandang kapatid ng biktimang si Lorry Litada na si Ligaya Pajulas, hindi muna pinangalanan ni Monte ang iba pang mga suspek hangga’t hindi pa nasasampa ang kaso sa piskalya.

Ipinaalam din ni Monte sa media ang pagkakadiskubre sa 1,360,000 yen at P30,000 cash sa loob ng bahay ni Pajulas kung saan sandaling tumuloy ang mga biktima bago pinaslang ang biktima.

Pinasok ng mga operatiba ng Tayabas City police ang bahay noong Lunes ng gabi sa bisa ng search warrant na inilabas ng husgado.

Maliban sa pera, sinabi ni Monte na nakakita din ang mga pulis ng ilang bahid ng dugo sa sahig at dingding ng bahay.

Napag-alamang may dalang malaking halaga ng salapi nang umuwi sa bansa upang ipambayad sa binibili nilang property sa San Narciso, Quezon ang biktimang si Litada, 54, at anak nitong Japanese national na si Mai Motegi, 26.

Base sa testimonya ng isa sa mga testigo, pinatay sa pamamagitan ng pagsakal at pagsaksak ang mga biktima na tumutugma naman sa pahayag ng isa pang testigo.

Matapos paslangin, ibinaon ang mga bangkay sa mababaw na hukay may 26 na metro mula sa likurang bahagi ng bahay kung saan sila pinatay.

Iniulat na nawawala ang mga biktima noong February 21, 2024 makaraang hanapin ng Japanese embassy.

AUTHOR PROFILE