CAAP

DOTr, CAAP officials bumisita sa mga airports sa WestVis

April 27, 2025 Jun I. Legaspi 122 views

BUMISITA ang mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa ilang airports sa Western Visayas para saksihan ang operations doon noong Biyernes.

Pinangunahan ni DOTr Secretary Vince Dizon, kasama si CAAP Deputy Director General for Administration Atty. Danjun Lucas at iba pang opisyal ng DOTr-CAAP, ang inspeksiyon sa Bacolod-Silay Airport at Antique Airport upang suriin ang mga kasalukuyan at natapos ng proyekto na nakatuon sa pagpapabuti ng pasilidad at karanasan ng mga pasahero.

Naninindigan ang DOTr-CAAP na ang bawat proyekto nagsusulong ng mabilis, ligtas at makataong transportasyon para sa publiko.

AUTHOR PROFILE