JM

Donnalyn at JM opisyal nang magdyowa

June 29, 2024 Vinia Vivar 55 views

Officially magdyowa na sina JM de Guzman at Donnalyn Bartolome.

Base sa post ng singer/vlogger sa kanyang Facebook at Instagram accounts last Friday, nagwagi si JM. Ito ay matapos ang humigit-kumulang na dalawang taong panliligaw ng aktor sa kanya.

Sinimulan ni Donnalyn ang kwento nang una niyang makilala si JM in 2022.

“When I met Juan Miguel on February 16, 2022 he made me pinky promise to do a fun collab with him… tawang tawa ako kasi wala akong maalalang lalaki na kilala kong nakikipagPinky promise.

Why did he have to make me promise? I’ll tell you next time. I delivered our Pinky Promise.. and all this happened,” simula ni Donnalyn.

Akala niya ay magiging kaibigan lang niya si JM pero may iba palang plano ang mga bituin para sa kanila.

Sinabi rin ng vlogger/singer na dumating sa puntong sinabihan na niya si JM na maghanap na lang ng iba pero pinatunayan ng aktor ang pagmamahal sa kanya.

“JM was unaware… it was a year and five months later from when he first tried to woo me. It was all after asking him to explore other hearts — to just find another heart who’s not mine, but he proved to me that he’s found the heart that made him blind to all other hearts… a blessing it was, that it belonged to me,” pagbabahagi ni Donna.

Aniya pa, nagtungo sila sa Japan noong June 22, 2023 para hingin ang blessings ng kanyang parents.

“That on June 22nd 2023…

“A Hercules costume I made him wear to a basket ball court. He had a dream one night, ‘nanaginip akong nasa basket ball court tayo tapos sobrang saya natin’ he told me. I decided to make that a reality. I called out Goddesses to sway and twirl for a play, while I was Megara singing her song about Hercules. What better way can you tell a theatre actor you adore him?” she said.

Makikita nga sa post ni Donna ang mga larawan kung saan ay naka-costume si JM ng Hercules at siya naman ay Megara na apparently nga ay kuha nang magpunta sila sa Japan last year.

Patuloy pa ng vlogger, dumating na lang ang araw na mahal na niya si JM.

“His determination caused him to persist… until one day I just could no longer resist. He awakened the love I didn’t know I still had to give to someone again ever, and even though I no longer believe in forever… I believe in Now,” sey ni Donna.

Bilang pagtatapos, aniya, “I declare out loud: Juan Miguel won.”

‘Yun na. Ito ang pagpapatunay na totoo talaga ang kasabihang “‘pag may tiyaga, may nilaga.”

AUTHOR PROFILE