Marian

DongYan bukal sa loob ang pagtulong

July 26, 2024 Jun Nardo 260 views

Marian1TUMULONG na rin ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa mga biktima ng bagyong Carina.

Naging abala si Dong dahil bahagi ito ng obligasyon niya bilang reservist. Kung tama kami, may pinunatahan siyang lugar sa Marikina para tumulong.

Ipinakita naman ni Marian sa kanyang Instagram account ang ipamimigay na 700 bags ng relief goods.

Bukal na sa mag-asawa ang tumulong, lalo na si Yan, na may iba’t ibang charitable organizations na patuloy na tinutulungan.

Bukod pa ito sa personal niyang mga tulong, huh!

Sa totoo lang, may bumabatikos sa mga artistang tumutulong lalo na’t naglalabas ng tulong nila sa socmed, huh!

Pero baka may dahilan ang paglabas nito sa social media. Maaaring upang ipakita ito sa kanilang donors na gusto ring tumulong na ayaw mabanggit ang pangalan.

In the spirit of transparency ang puwedeng dahilan ng ilang artsta o celebrities kaya may post sila sa kanilang socmed.

May posting man o wala, ang mahalaga, nakatulong sila.

KATHRYN WALANG POST KASAMA SI ALDEN

MASOSOLO na ni Alden Richards si Kathryn Bernardo sa Canada.

Nasa Canada na si Kath para sa shooting ng movie nila ni Alden na “Hello, Love, Again.” Pero wala pa siyang post na kasama si Alden.

Wala pa namang post si Alden kung nasa Canada na siya.

Eh, kapag magkasama na sila ni Kath, liligaya na nang tuluyan ang KathDen fans kahit wala pa silang relasyon, huh!

AUTHOR PROFILE