
Dolly, ipinagtanggol si Kathryn sa isyu ng pag-inom at pagbi-vape
Idinepensa ng award-winning actress na si Dolly de Leon ang co-actress sa pelikulang ‘A Very Good Girl’ na si Kathryn Bernardo hinggil sa nag-viral na video nito kamakailan.
Matatandaang kumalat sa social media ang video ni Kathryn na nagbi-vape mula sa filming site habang naka-break sa shooting.
Naging kontrobersyal ang video at inulan ng reaksyon mula sa netizens. Ang iba ay na-shock pa nga na malamang nagsisigarilyo pala ang aktres although may mga nagtanggol din na baka dahil ito sa kanyang film role.
True enough, ayon kay Dolly sa panayam ni Cristy Fermin, para nga sa pelikula ‘yun at pina-practice that time ni Kathryn ang pagbi-vape.
“Spoiler tuloy dahil lumabas ‘yung may nag-video sa kanya (Kathryn) na nagbi-vape dahil mayroon po siyang eksena na nagbi-vape talaga siya at mayroon din akong eksena na magsisigarilyo ako.
“Kaya pinapraktis niya kung paano gamitin ‘yung vape. ‘Yun po talaga ang nangyari do’n,” paliwanag ng veteran actress.
Ipinagtaka rin ni Dolly na nakuhanan si Kathryn sa shooting dahil bawal ‘yun.
“Unfortunately, spoiler dahil may tao do’n. Actually po, bawal po ‘yun, eh. ‘Yung nagpi-picture habang nagsu-shoot, bawal po talaga. Kung gusto nilang mag-picture, sana hindi na lang nila pinost,” paliwanag ng veteran actress.
Komento ni ‘Nay Cristy, naging negatibo tuloy kay Kathryn dahil binatikos ito na umiinom na, nagbi-vape pa.
Inulit ni Dolly na hindi marunong mag-vape si Kathryn kaya nag-practice ito. If ever totoo, nasa edad na raw ang aktres.
“Kailangan niyang iprakrtis kasi hindi siya marunong mag-vape. Pero kung nagbi-vape naman talaga siya at kung umiinom naman siya, siguro naman okay lang dahil may edad na siya, ‘no? Nasa legal age na siya para gawin iyon,” pagtatanggol pa ng internationally-acclaimed actress.
Tungkol naman sa pag-inom ng aktres, ipinaliwanag ni Dolly na nangyari iyon sa cast party nila.
“’Yung inom namin na ‘yun, party namin ‘yun. Kasi natapos namin ‘yung shoot, pinaghirapan po namin. Opo, wrap party siya, so parang reward namin sa isa’t isa para celebration. ‘Di ba po, ganu’n naman tayo, ‘pag mayroon tayong achievement, nagse-celebrate tayo, may konting alak,” katwiran ni Dolly.