Dolly3

Dolly, ’di na-nominate sa Oscars

January 25, 2023 Ian F. Fariñas 237 views

MARAMI ang nanghinayang sa hindi pagkaka-nominate ng Pinay international actress na si Dolly de Leon sa 2023 Oscars best supporting actress category gayung ang pelikula niyang Triangle of Sadness ay nakakuha ng tatlong major na nominasyon kabilang ang best picture, best director at best original screenplay.

Ayon sa balita, gabuhok ang pagkakalaglag ni Dolly at muntik-muntikan na talaga siyang makalusot bilang kauna-unahang Pinay na ma-nominate sa Oscars.

Anyway, hindi man pinalad, ang English filmmaker namang si Edgar Wright ay nag-tweet na, “I’m still writing Dolly de Leon on my ballot.”

Maging ang mga kasamahan ng aktres sa local film industry, proud sa mga narating ni Dolly.

Isa na nga rito ang pinakabago niyang tagumpay bilang best supporting actress sa Swedish film award na Guldbaggegalan 2023.

Nominado rin si Dolly sa pagka-best supporting actress sa BAFTA o British Academy Film Awards para sa Triangle of Sadness na locally released ng TBA Studios.

AUTHOR PROFILE