Barbie

Do ni Barbie nakakabaliw

January 4, 2024 People's Tonight 257 views

KINABABALIWAN ng netizens ang bagong ‘hairdo’ ng model-actress na si Barbie Imperial.

Sa isang Instagram post nitong Miyerkules, January 3, ibinandera ng ‘I Love Lizzy’ actress ang kanyang new look.

Makikita sa mga larawang ibinahagi niya ang kanyang simple beauty at ang bagong maikling buhok.

“New hair for new year.. and new role,” pahayag ni Barbie sa caption ng kanyang post.

Agad namang pinusuan ito ng netizens na umabot na sa kasalukuyan ng higit 123K likes. Sey rin ng kanyang mga tagahanga na bagay kay Barbie ang pagkakaroon ng short hair.

“Pag maganda at simply lang buhok at make up lalong titingkad ang ganda.”

“Soft girl yarn, ganda.”

“Looks good on her. Mas lalo sya gumanda at bumata.”

“Wow kahit anong style ng hair bumabagay! Ganda kasi.”

“Nakakabwiset sa ganda!”

“Literal na barbie! Apakaganda.”

AUTHOR PROFILE