Diploma

Diskriminasyon vs walang diploma binira

March 21, 2024 PS Jun M. Sarmiento 107 views

FOUL at hindi makatarungan ang diskriminasyon sa mga walang diploma at hindi nakatapos ngunit may sapat na kakayahan at talino sa ibat ibang larangan ng hanapbuhay.

Ito ang idiniin ni Sen. Francis Chiz Escudero na nagpahayag ng pagkadismaya sa ganitong uri ng kalakaran sa Pilipinas kung saan ay inamin niya na hindi patas at tama na diploma ang karamihan pinagbabasehan kung papaano mabibigyan ng promosyon at posisyon ang ating mga mangagawa na nakabase kadalasan sa papel at hindi sa taglay na talento.

Ayon pa kay Escudero , napapanahon na naiya na bigyan ng kaluwagan ang mga ganitong uri ng kakayahan sa pamamagitan ng pagpasa ng Senado ng six education-related bills na ini endorso mismo ng Committee on Higher, Technical and Vocational Education (CHTVE), kasama na rito ang Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) na nagbibigay tsansa sa mga magagaleng natin kababayan ng magkaroon ng diploma at masabing graduate na naka base sa kanilang maikling panahon makapasok sa paaralan at makapagtapos at pormal na makakuha ng diploma.

Maraming Pilipino, ani Escudero ang maagang nagtrabaho sa buhay bunga ng matinding kahirapan at mga pagsubok na pinagdaaanan at naging balakid ang kanilang kawalan ng diploma upang ma promote o umasenso at makakuha ng propesyonal na hanapbuhay dahil na rin sa kawalan ng diploma kung kayat ang ganitong programa aniya ang pwedeng sandalan ng may kakayahan natin kababayan upang makasimula ng bagong pag asa.

Sa kanyang sponsorship, ipinaliwanag ni Escudero na ang ETEEAP sa ilalim ng Senate Bill 2568, ay magiging pormal na programa na ng ating gobyerno para sa mga working professionals na hindi nakapagtapos ng kolehiyo ngunit may kakayahan at bagamat hindi degree holder na matatawag ay may skill ito at talento, kung kayat kailangan maalalayan ng gobyerno sa pamamagitan non-traditional means para makakuha ng degree.

“For many college dropouts, whose skills are not receipted by a diploma, the absence of academic credentials can and does lead to opportunity losses,” said Escudero, chairman of the CHTVE. “Often, their career advancement is blocked by a diploma wall, while those far less talented, whiz past them by flashing a diploma as a gate pass. And nowhere is this race fiercer than in the civil service, where the orthodoxy of degrees over skills reigns supreme.” ani Escudero

Ipinaliwanag din ni Escudero na ang “diploma wall” din ang siyang nagiging balakid sa maraming kababayan natin sa ibang bansa na bumalik sa Pilipinas para sana ay gamitin ang kanilang mga natutuhan sa praktikal na pamamaraan sa ibang bansa ngunit nag aalangan dahil walang pupuntahan ang kanilang kinabukasan sa Pilipinas dahil wala silang diploma kahit maabilidad at may kakayahan pa ang mga ito.

“Kahit sa Michelin star resto pa naging sous chef, hindi pwedeng gawing faculty ng isang SUCs (state universities and colleges) kasi walang master’s degree. Kahit na henyo sa IT (information technology) sa abroad, pagdating dito kung walang degree, walang trabaho. No diploma, no entry,” pagmamaktol ni Escudero.

Sa pamamagitan ng nasabing panukala ni Escudero ay masosolusyunan ang hindi pagkakakapantay pantay ng ating mga mangagawa bunga ng kawalan ng diploma sa ilalim ng SB 2568, kung saan ay gagawin ng institutionalize ang ETEEAP sa gobyerno na bibigyan ng halaga at pagkilanlan sa kasalukuyan pamantayan ng edukasyon.

“The program focuses on academic equivalency and accreditation at the college level. It validates the knowledge and expertise acquired by senior high school graduates, post-secondary technical-vocational graduates, and college undergraduate students through relevant work experiences and high-level, non formal training.” paglilinaw pa ni Escudero

Gayundin ay aatasan ang Commission on Higher Education (CHED) na mangunguna sa pagpapatupad ng programa kung saan ay ibibigay din sa kanila ang kapangyarihan kung anong mga academic program ang bubuksan para sa ating mga kababayan na hindi nakatapos ng kolehiyo gayundin ng mga kwalipikasyon na dapat ikonsidera ng sinuman aplikante.

“By granting them a pathway to earn a bachelor’s degree, this program contributes to a more inclusive and skilled workforce in the Philippines,” giit nito.