Dongyan

Dingdong at Marian, sabay nagpabakuna

June 12, 2021 Ian F. Fariñas 594 views

KABADO pero excited na nagpaturok ng COVID-19 vaccine ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes kahapon, Independence Day, kasama ang misis niyang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Kabilang ang GMA Network royal couple sa mga binakunahan sa ilalim ng partnership ng Mowelfund at MMDA.

Bago nagpabakuna, nag-post pa si Dingdong nu’ng Biyernes ng isang shirtless pic sa Instagram na nilagyan niya ng caption na, “Relax relax muna at medyo kinakabahan at excited na ako bukas dahil nakakuha na kami ng COVID-19 vaccine slots!

“Kabilang ang entertainment workers sa A4 category, at kailangang kailangan na talagang magpabakuna ang mga palagiang lumalabas para magtrabaho.

“Ito ay karagdagang pag-iingat at proteksyon hindi lang para sa akin, kundi para sa aking pamilya, sa aking mga ka-trabaho, at komunidad” at tinapos niya ang IG post gamit ang hashtag na #IngatAngatBakunaLahat.

AUTHOR PROFILE