Default Thumbnail

Dinamita sumabog; mangingisda patay, tatay at kapatid sugatan

April 19, 2023 Zaida I. Delos Reyes 272 views

PATAY ang isang mangingisda habang sugatan naman ang kanyang ama at nakakabatang kapatid matapos na sumabog ang dinamitang ginagamit nito sa kanyang pangingisda sa Placer, Masbate.

Nakilala ang nasawi na si Jake Quiรฑones, 23. Isinugod naman sa pagamutan ang kanyang ama at nakababatang kapatid.

Batay sa ulat ng pulisya ang insidente ay naganap sa karagatang sakop ng Barangay Nagarao sa bayan ng Placer.

Ayon sa mga imbestigador , posibleng sumabog ang dinamita bago pa man maihagis ng biktima sa dagat.

Kaugnay nito, umapela si PSSG Bonifacio Neri Jr., officer in charge ng Placer Municipal Police Station, na itigil na ang ginagawang illegal na pangingisda sa lugar upang maiwasan na rin ang ganitong uri ng sakuna.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente.