Dimacuha

Dimacuha lumagda sa MoA para sa mga magsasaka

May 13, 2024 Jojo C. Magsombol 114 views

PUMIRMA sa memorandum of agreement (MOA) si Mayor Beverley Dimacuha ng Batangas City at Sorosoro Ibaba Development Cooperative (SIDC) na kinatawan ng Vice President nito na si Bon Ian Dela Roca noong May 9.

Kaugnay ito ng farm mechanization partnership program ng City Agriculture Office (CAO) at SIDC.

Sa ilalim ng MOA, magkakaloob ang city government ng dalawang automated grain dryer na nagkakahalaga ng P5.5 milyon na may kapasidad magtuyo ng anim na toneladang yellow corn kada salang.

Malaking tulong ang dryer para mapalawak at mapabilis ang pagbibigay ng serbisyong pansakahan sa mga magmamais sa lungsod.

Layunin din nito na higit na palakasin ang yellow corn sufficiency program na sinimulang ipatupad noong 2002.

Ang SIDC na rin ang bibili ng mais sa mga farmers dahil mayroon itong feedmills sa Brgy. Sorosoro Karsada.

Nasaksihan ang MOA signing nina City Agriculture Officer Flora Alvarez at ng Inventory Management Manager ng SIDC na si Armelita Barrion.

AUTHOR PROFILE