Diether himalang nakaligtas sa car accident

February 6, 2022 Aster Amoyo 875 views

NAAKSIDENTE ang Kapamilya singer-actor at Lt. Commander ng Philippine Coast Guard Auxiliary na si Diether Ocampo nung madaling araw (12:40 a.m) ng Biyernes, February 4, 2022 along Osmena Highway in Makati City matapos bumangga sa isang nakahintong dump truck ang kanyang minamanehong SUV. Wasak ang harapan ng sasakyan ng actor at masuwerte siyang nakaligtas with only minor injuries. Agad isinugod si Diether sa pinakamalapit na pagamutan ng Philippine Red Cross team na siyang tumulong sa kanya.

Sa imbestigasyon, napag-alaman na naka-inom umano ang actor.

Si Diether na halos kapanabayan noon sa bakuran ng ABS-CBN nina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Bernard Palanca at Carlos Agassi ay huling napanood sa inspirational primetime TV drama series na “Huwag Kang Mangamba” ng ABS-CBN nung isang taon.

BeloFrancine binigyan ng debut party ni Dra. Belo

ANG celebrity beauty doctor na si Dra. Vicki Belo ang nagbigay sa Kapamilya teen star na si Francine Diaz ng kanyang debut party last January 26, 2022, a day before her actual birthday on January 27.

The celebrity doctor transformed her Forbes Park mansion into an “Encanto”-themed party kung saan dumalo ang parents ni Francine na sina Jesus Michael Diaz at Merdick Saenz-Diaz. Si Dra. Vicki rin ang naghanda ng iba’t ibang regalo para sa Kapamilya teenstar tulad ng isang necklace, Gucci candle, dress, set of pillows na may mukha ni Francine at blow-up portrait ng singer-actress.

Kahit nasa legal age na si Francine, binibigyan pa rin niya ng karapatan ang kanyang parents to decide for her at sa kanyang career although binibigyan na siya ng laya sa ibang bagay na gusto niyang gawin for herself.

At 18, aminado si Francine na kasama umano siya sa grupo ng NBSB (no boyfriend since birth) pero hindi umano siya nagmamadali dahil ang focus niya sa ngayon ay ang kanyang career at pagtupad ng kanyang mga pangarap for her family.

Francine is about to start her first iWant TFC original series, ang “Bola Bola (Cook, Feed, Love, Repeat)” kung saan niya makakasama sina Albie Casino at BGYO member na si Akira Morishita kasama sina Arlene Muhlach, Gardo Versoza, Ashton Salvador, Danita Ontengco, Analain Salvador at Jmee Katanyag. Ito’y pamamahalaan ni JP Habac produced by Dreamscape Entertainment at nakatakdang mapanood sa exclusive streaming app ng ABS-CBN.

Si Francine ay nasa pangangalaga ng Star Magic ng ABS-CBN since 2016.

DiegoDiego at Barbie nakabibigla ang break up

IT was only last December 8, 2021 nang huli naming makitang magkasama ang (dating) magkasintahang Diego Loyzaga at Barbie Imperial sa press preview ng kanilang first movie together under Viva Films, ang “Dulo” mula sa panulat at direction ng ex-PBB housemate-turned actor-writer-director na si Fifth Solomon. Ito’y ginanap sa Fishermall Cinema in Quezon City. Pagkatapos ng preview ay tumuloy ang dalawa sa Sirom Beach House in Pangasinan where the young couple celebrated their first anniversary bilang magkasintahan last December 11. Sobra ang pagiging sweet ng dalawa not us knowing na mauuwi pala sila sa hiwalayan before the Christmas holidays.

When Diego told us that he spent his Christmas with couple Billy Crawford and Coleen Garcia na hindi kasama si Barbie, medyo nagduda na kami na may problema ang dalawa pero hindi na namin kinulit si Diego na biglaang lumipad patungong Amerika nung December 30, 2021. While Barbie spent her Christmas in her friend’s house (ang younger sister ni Daniel Padilla na close friend ng aktres).

Up to this writing ay nasa Amerika pa rin si Diego pero sinabi niya sa amin na this month umano ang kanyang balik ng Pilipinas upang ipagpatuloy ang kanyang trabaho sa Viva.

Although ayaw mag-komento ni Diego tungkol sa recent break-up nila ni Barbie, lumalabas na second showbiz break-up na ito ng binata nina Teresa Loyzaga at Cesar Montano. Nauna rito ang break-up nila ng Kapamilya actress na si Sofia Andres na may anak na sa kanyang present partner, ang car race driver na si Daniel Miranda na nagmula sa isang buena familia in Cebu.

GretchenGretchen pinatunayang matibay ang samahan nila ni Tonyboy

SA kabila ng pagiging controversial (and equally generous) ng actress na si Gretchen Barretto, she celebrated her 28th year anniversary with her longtime partner, ang business tycoon na si Tonyboy Cojuangco recently. Ang dalawa ay may kaisa-isang anak na si Dominique Cojuangco who recently got married to a successful young businessman na si Michael Hearn na nakilala niya sa British school in Manila.

Samantala, maraming followers ng aktres ang umaasa na sana’y maging aktibo pa rin si Gretchen sa kanyang showbiz career kahit every once in awhile lamang.

Hanggang ngayon ay isa pa rin si Gretchen sa nagtataglay ng napakagandang mukha in showbiz. Sa ngayon, kilala rin siyang philanthropist na nagbibigay ng ayuda sa maraming showbiz people, kasama na ang kapuwa artista.

WillieWillie lilipat sa bagong TV station ni Manny Villar?

GAANO kaya katotoo ang balitang lumulutang na iiwan na umano ng game show host-producer and businessman na si Willie Revillame ang kanyang game show sa GMA, ang “Wowowin” to join former Senate President and businessman Manny Villar’s newly-acquired broadcast franchise na ang frequency ay dating pag-aari ng ABS-CBN?

Kilala kasi si Willie na malapit sa dating senador at magka-sosyo ang dalawa sa itinayong Will Tower across ABS-CBN’s building kaya hindi malayong magkatotoo ang nasabing balita.

Nagri-rate ang “Wowowin” at magiging kawalan ang programa ni Willie sa Kapuso network kapag nagkataon.

May balita ring magti-test broadcast na rin ang bagong broadcast network ng mga Villar sa buwang ito.

Although nalungkot ang mga taga-ABS-CBN at supporters ng Kapamilya network sa pagkawala ng kanilang frequency at iba pang allied network, natutuwa naman ang iba dahil nangangahulugan umano ito ng trabaho sa maraming tao including actors, production and technical people, writers, directors at iba pang job slots na magbubukas.

Gayunpaman, umaasa pa rin ang marami na maibabalik pa rin ang prangkisa ng ABS-CBN sa susunod na administrasyon.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram@asteramoyo, Twitter@aster_amoyo and Facebook@asteraamoyo.

AUTHOR PROFILE