
Diamond Hotel tinupok ng apoy
NASUNOG ang isang bahagi ng Diamond Hotel at umabot lamang halos isang oras bago tuluyang naapula ang apoy sa nasabing gusali sa kabaan ng Roxas Boulevard, Malate, Manila umaga nitong linggo.
Ayon sa initial na ulat ni Police Lieutenant Colonel. Gilbert Cruz, Manila Police District -Ermita Police Station 5 commander, bandang 8:20 a.m. nang sumiklab ang sunog sa isang parte ng Sauna Machine sa loob ng nasabing hotel ,na nag ugat na magkaroon ng pagpapanic ang mga naka check-in.
Agad kumilos ang mga kapulisan sa pamumuno ni Police Capt. Wilbert Aticao, hepe ng Remedios PCP MPD Station 5, at mabilis na tinungo ang nasusunog na gusali para rumeponde at tiyakin ang seguridad ng mga nanunuluyan maging ang mga dayuhan na naroroon,. .
Bandang 8:40 a.m. nang makatangap ng tawag ang mga pamatay sunog kaya’t agad na rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection na pinangungunahan ni Fire Inspector Fernando Javier .
Dakong 9:10 , nang ideklarang Fire under control ang sunog at tuluyan nang naapula ng dakong 9:21.
Wala naman umanong naiulat na nasaktan sa mga naka check-in sa nasabing hotel , habang patuloy na iniimbestigahan ng Arson Division ang dahilan ng pinagsimulan ng sunog.