Jennylyn

’Di pagsipot sa GMA Gala nilinaw ng managers ni Jennylyn

July 22, 2024 Vinia Vivar 386 views

Pinagpipistahan na naman ngayon ng netizens and bashers ang hindi pagsipot ni Jennlyn Mercado sa katatapos na GMA Gala 2024.

Ang daming naghintay sa pagdalo ng aktres at makita siyang rumampa sa red carpet pero tanging ang mister niyang si Dennis Trillo ang nakarating at solong lumakad sa red carpet.

Kaya umandar na naman ang mga Marites at Marisol at kung anu-ano na naman ang in-assume.

Marami sa mga netizen ang ikinonek ang hindi pagsipot ni Jen sa kanyang kontrata sa Kapuso.

“Wala pa kasi siyang kontrata sa GMA-7 kaya no-show na sa GMA Gala,” sey ng isang netizen.

May mga nag-isip din na baka raw talagang lalayasan na ng aktres ang kanyang mother network at lilipat na sa iba kaya hindi na nagpakita sa event.

“Sa mga special events ng GMA7 palaging wala si Jennylyn Mercado si Dennis Trillo lang palagi like yung GMA7 Station ID at ngayon GMA GALA. Parang totoo ang balita na aalis na sya sa GMA7?” sabi ng isang fan.

As per Jennylyn’s management, ang Aguila Entertaiment, talaga raw naka-ready si Jen na pumunta sa GMA Gala and in fact, nakahanda na nga rin ang kanyang isusuot.

Pero nagkasakit ang panganay niyang si Jazz. May trangkaso raw ang bagets at mataas ang lagnat.

Naglambing ito sa nanay at ayaw paiwan kaya napagkasunduan ng mag-asawa na si Dennis na lang ang tumuloy.

Nilinaw na ni Jen sa launching niya sa Beautederm last Thursday na mananatili siyang Kapuso at hindi lilipat ng ibang istasyon hanggang gusto pa siya ng network.

Hinihintay lang daw niya ang kontrata na aniya ay madali na lang naman.

AUTHOR PROFILE