DFA Source: SPD PIO

DFA kinabog ng bomb threat

September 17, 2024 Edd Reyes 238 views

NAGMAMADALING naglabasan sa building ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Roxas Boulevard sa Pasay City ang mga empleyado dahil sa bomb threat noong Martes.

Dakong alas-7:00 ng umaga nang makarating sa opisina ng Pasay police chief ang balita na nag-uunahang maglabasan sa kanilang opisina ang mga empleyado ng DFA dahil may nakatanim daw na bomba sa gusali.

Dumating ang mga operatiba ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) at Special Weapons and Tactics (SWAT) upang suyurin ang bawa’t sulok ng tanggapan.

Sa kabutihang palad, walang nakita na anumang bomba sa lahat ng sulok ng DFA building kaya pinabalik na ang mga kawani dakong alas-8:00 ng umaga.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Leon Victor Rosete, nanggaling ang fake bomb news sa mga empleyado ng Philippine embassy sa Canada.

Mula sa email sa embassy galing ang balita na may bombang nakatanim sa DFA building.

AUTHOR PROFILE