Drugs Ayon sa Makabayan bloc, ang panawagan na ihiwalay ang Mindanao ay isa umanong taktika para mailihis ang atensyon ng mga Pilipino mula sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa madugong war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. File photo ni JON-JON C. REYES

‘DESTAB’ VS PBBM ADMIN TINUTULAN

November 30, 2023 Jun I. Legaspi 787 views

MARIING tinutulan ng Bukluran ng mga Mangagawang Pilipino (BMP) ang umuugong na usapin sa diumano na destabilisasyon laban sa pamahalaang Ferdinand Marcos Jr. sa kabila ng mainit na diskusyon sa pagbabalik sa Pilipinas bilang kasapi at pagsasailalim sa huridiksiyon ng International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Gie Relova, pangulo ng BMP, posibilidad sa pagpapahintulot ng administrasyong BBM na mabuksan ang imbestigasyon sa malawakang pagpatay sa “war on drugs” ng dating Pangulong Rodrigo Duterte at mga katulad na krimen sa panahon ng panunungkulan nito bilang alcalde sa Lungsod ng Davao ay maituturing nilang resulta sa pag-alingawngaw ng destabilisasyon.

Ipinapalagay ng BMP, isang sa sentro ng labor federation sa bansa, na may grupo o kapanalig ang pangkating Duterte na tila labis na nag-aalala sa posibilidad na maaresto at malitis ang dating pangulo kaya lumaganap sa social media ang linyang “walang anumang dayuhang hukuman ang maaaring makialam sa sistemang legal ng bansang Pilipinas”, na siyang itinatambol umano ng mga destabilizer.

Sa pagsusuri ng BMP, nalalantad ang tunay na layunin ng destabilisasyon ay upang mapresyur at paatrasin ang administrasyong Marcos sa pagkiling nito na maibalik ang Pilipinas sa ICC.

Nagkaisang nanindigan ang kasapian ng BMP na dapat papanagutin ang sinumang nagpapasimuno at nagpatupad ng karumal-dumal na krimen sa hanay ng mahihirap nating mga kababayan.

Sa kaugnay na ulat, inihayag ng Youth4IntegrityPH, isang grupo ng kabataan, ang pagtutol nito sa bantang destabilisasyon sa pamahalaang BongBong Marcos. Itinuring nilang pasaway at taksil sa bayan ang iilan na naghahasik ng destabilisasyon, lalo na kung ang nasa likod nito ay na gustong papasukin ang dayuhang naghahangad na sakupin ang ating teritoryo.

Ayon kay Antonio De Leon, tagapagsalita ng grupong Youth4IntegrityPH, “Ang anumang pagbabanta sa kaayusan ng bansa ay nakakaapekto sa ekonomiya ng bansa kaya sa halip na pahinain ang administrasyon ay tumulong tayong palakasin ang pamamahala sa bansa para sa kinabukasan ng mga kabataan.

Ipinahayag ng grupo ang pakikiisa nila sa mga kawal ng Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard at Philippine National Police sa pagtataguyod integridad ng Pilipinas laban sa sinumang gusto sumakop sa teritoryo ng bansa. Ang tinutukoy ng mga kabataan ay ang alitan sa teritoryo ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.

AUTHOR PROFILE