Derek

Derek sa nang-okray na netizen: Baka wala ka na in 5 years

November 13, 2022 Ian F. Fariñas 263 views

BARADO ang isang netizen na nag-try basagin ang espesyal na wedding anniversary message ni Derek Ramsay para sa misis na si Ellen Adarna habang “nagha-honeymoon” sa Peru.

Nag-comment kasi ang netizen sa video upload ng aktor sa Instagram ng, “Balikan ko to after 5 years ha derek” sabay lagay ng laughing emoji.

Bweltang reply ni Derek: “Wag na dear! Baka wala ka na in 5 years” na nilagyan din niya ng tatlong laughing emojis.

Hindi malinaw kung kilala o kaibigan ba ng mag-asawa ang nasabing netizen kaya ganu’n na lang ang pang-ookray nito sa recent IG post ng aktor.

Napaka-sweet pa naman ng pagbati ni Derek kay Ellen sa kanilang first wedding anniversary nu’ng November 11 although siyempre, may kahalo pa rin itong slight na pang-aasar.

Anang aktor, “Morning, baby. 11/11 it’s our anniversary, you’re in the toilet right now… But I just wanna say thank you for changing my life, thank you for loving me, thank you for being who you are, thank you for this beautiful trip.”

Patuloy ni Derek, “You know that this was in my bucket list and you gave me this. This is a beautiful gift that I am sharing with you. I’ve loved every single minutes and seconds of this trip, of this journey with you even if you are a b*tch last night.”

Hindi naman malaman ni Ellen kung maiiyak o matatawa siya sa IG greeting.

Sabi niya, “Omg hahahah i dont know if i should be crying or laughing hauahauhaauhahaaha i lovee youu toooooooo sooo muchhhh.”

Gaya ng napabalita, muli ngang nagpakasal ang dalawa sa Peru.

Nagkaroon sila ng tinatawag na “Peruvian despacho ceremony” na ibinahagi ni Ellen sa IG.

“Today, we got married again (red heart emoji),” aniya sa caption.

Siyempre, tuwang-tuwa ang fans ng mag-asawa sa mga litratong na-share sa IG at marami rin sa kanilang showbiz friends ang bumati sa kanilang anniversary.

Ilan dito sina Ruffa Gutierrez, Vina Morales at iba pa.

AUTHOR PROFILE