Frasco1

Deputy Speaker Frasco nag-turn over ng 3 proyekto sa Camotes

July 2, 2024 Mar Rodriguez 351 views

MULING nanguna sa turnover ng tatlong proyekto 𝘀𝗶 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗗𝗲𝗽𝘂𝘁𝘆 𝗦𝗽𝗲𝗮𝗸𝗲𝗿 𝗮𝘁 𝗖𝗲𝗯𝘂 𝟱𝘁𝗵 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗩𝗶𝗻𝗰𝗲𝗻𝘁 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗰𝗼 “𝗗𝘂𝗸𝗲” 𝗗. 𝗙𝗿𝗮𝘀𝗰𝗼 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗯𝗮𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗦𝗮𝗻 𝗙𝗿𝗮𝗰𝗶𝘀𝗰𝗼, 𝗖𝗮𝗺𝗼𝘁𝗲𝘀 island.

Tinungo ng House Deputy Speaker ang San Francisco sa isla ng Camotes para sa turnover ng tatlong bagong proyekto na nagkakahalaga ng P45 million.

Kabilang sa mga ipinatayo ang tatlong palapag na classroom building ng Cebu Technological University sa San Francisco Campus na nagkakahalaga ng P30 million.

Sa pamamagitan ng 3-storey classroom building, malaki ang magagawa nito para mabawasan ang sisiksikan ng mga estudyante.

Tinungo din ng pulitiko ang Sitio Magcarungaw sa Brgy. Western Poblacion para sa turnover ceremony ng covered court building na nagkakahalaga ng P5 million.

Sumunod na tinungo ng kongresista ang Campo Integrated School para sa turnover din ng isang palapag na classroom building na may tatlong silid na may construction cost na P10 million.

AUTHOR PROFILE