Herbosa

Department of Health and Wellness pinag-aaralan

July 3, 2024 Chona Yu 565 views

PINAG-AARALAN ni Health Secretary Ted Herbosa na palitan ang pangalan ng Department of Health at gawing Department of Health at Wellness.

Sa Pre-SONA special, sinabi ni Herbosa na hindi lang dapat kalusugan kundi maging ang wellness ng tao ang dapat na tutukan.

“Kasi dito sa Universal Health Care, pinu-push namin ang primary care. Imi-maintain mo ang wellness mo, hindi ‘yung may sakit ka pupunta ka sa emergency room. Ang idea nito, is mapromote ang being healthy and wealth,” pahayag ni Herbosa.

Pero ayon kay Herbosa, gagastos na naman ang pamahalaan sakaling ituloy ang plano. Halimbawa na ang pagpapalit ng logo, letter head, emblem at pangalan ng mga ospital sa buong bansa.

Masyadong mahal aniya ang naturang plano.

Sa halip aniya na gastusin ang pera, mas makabubuting ilaan na lamang ito sa paglaban sa sakit na dengue.

AUTHOR PROFILE