Default Thumbnail

DENR at NCIP kumusta na ang mga katutubo?

June 14, 2022 Erwin Tulfo 408 views

TulfoPALIIT ng paliit na raw ang mundo na ginagalawan ng mga katutubo sa buong bansa ngayon.

Literal kasi na pinapalayas na sila sa mga lupang kanilang kinalakihan o minana nila sa kanilang mga kanunuan.

Ang masaklap, ang mga lupa na dapat ay binubungkal nila, minimina o kina-quarry ng mga malalaking kumpanya.

At dahil may permit daw mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at umano’y walang kibo ang National Commission for Indigenous People (NCIP) napapaalis tuloy ng mga malalaking mining at lumber companies ang katutubo sa kanilang mga lupain.

Isang halimabawa dito ay itong mga Higaonon ng Agusan del Norte na pinalalayas sa kanilang ancestral home.

Isang malaking mining company ang nagpapalayas sa kanila sa kanilang lupain.

Problema ng mga katutubo wala raw sila magawa kasi may papel daw ang mga kumpanyang ito mula sa DENR na nakasaad daw na pwedeng magmina sa kanilang lugar.

Ilang beses na raw lumapit sa NCIP ang mga katutubo pero dedma lamang daw ang ahensya.

Isa sa mga responsibilidad ng NCIP ay protektahan ang karapatan at tirahan ng mga indigenous people.

Subalit, paano na lang kung ang dapat magprotekta sa kanila ay dedma o nagbubulag-bulagan lang?

AUTHOR PROFILE