Dennis

Dennis kwela ang b-day greeting kay Jennylyn

May 16, 2024 Vinia Vivar 347 views

Ipinagdiwang ni Jennylyn Mercado ang kanyang kaarawan nitong May 15 at siyempre, hindi siya nakalimutang batiin ng mister niyang si Dennis Trillo.

Pero kakaiba ang pagbati ni Dennis sa kanyang wifey, may pagka-comedy pero ramdam ang sincerity.

Nag-post ang aktor sa Instagram ng video ng mga clip ni Jen at guess kung ano ang ginamit niyang background music? Hindi typical love song kundi isang rock song, ang “Pag-ibig Ko’y Metal” ni Jograd dela Torre.

Comedy din ang bungad ng birthday message ni Den dahil nag-knock-knock joke pa siya.

“Knock knock, who’s there? BAKAL. BAKAL who? BAKAL lalu mo akong Mahalin pag nakita mo ito,” ang joke ng aktor.

Kasunod nito ay naging seryoso na siya at nagbigay ng sweet birthday message para sa misis.

“Sa aming ILAW ng tahanan, na higit pa sa pag bibigay ng Liwanag ang alay sa aming pamilya.

“Nais kong ipaalala sa iyo, na nandito kami para sa iyo sa bawat oras, mamahalin at aalagaan

“Maligayang Kaarawan mahal ko….forever kaming grateful sa iyo,” mensahe ni Dennis kay Jen.

Simple lang ipinagdiwang ni Jen ang kanyang kaarawan sa kanilang rest house sa Tanay. Doon din nag-celebrate ng birthday si Dennis noong May 12.

AUTHOR PROFILE