Haslers

Denise, Hershie, Angelica at Quinn, may madilim na sikreto sa ‘Haslers’

December 2, 2023 Ian F. Fariñas 495 views

Ang biglaang pagkamatay ng isang babae ay magiging bangungot para sa mga dati niyang kaibigan dahil sa suicide letter na nagpapaalala sa madilim nilang nakaraan na hindi nila basta-basta mababaon sa limot.

Sina Denise Esteban, Hershie de Leon, Angelica Cervantes at Quinn Carrillo ang apat na babaeng magpapakita sa atin na walang sikreto na naitatago habang buhay.

Panoorin ang Haslers na streaming exclusively sa Vivamax simula December 8.

Sina Thea (Denise), Sofia (Hershie), Cheska (Angelica) at Hazel (Quinn) ay grupo ng magkakaibigang college students na magiging takbuhan ang isa’t isa sa oras ng pangangailangan at sa mga pinakamahirap na pagsubok ng buhay.

Silang apat ay may kakaiba at ‘di pangkaraniwang trabaho para masustentuhan ang sarili at pamilya.

Si Thea ay isang high-end prostitute na ‘di kalaunan ay magiging trabaho rin ni Sofia dahil sa pangangailangan ng pera.

Si Cheska naman ay isang topless maid, taga-linis ng bahay na nagtatrabaho nang walang suot na damit.

Si Hazel, kilalang drug runner. Lahat sila ay gagawin ang kahit na ano at magtatrabaho para sa pera habang hawak ang pangarap na balang araw ay magbabago rin ang buhay nila at gagawin nila ‘yon na magkakasama.

Hindi mauubos ang mga pagsubok na ibabato sa kanilang apat dahil maraming beses na mamaltratuhin at iba-blackmail sila ng mga abusadong lalaki.

May insidente ring mangyayari sa isang party kung saan imbitado silang apat. Magiging dahilan ito para masira ang kanilang pagkakaibigan at tuluyang magwawatak-watak at maghihiwa-hiwalay ng landas.

Makalipas ang ilang taon, si Thea ay housewife na at may mayamang asawa. Si Sofia naman ay naging dominatrix habang si Cheska ay successful career woman na.

Si Hazel, tuluyang naligaw ng landas at mas lumala ang pagiging drug addict. Nagkaroon na sila ng kanya-kanyang buhay pero isang trahedya ang magiging dahilan para magsama-sama silang muli.

Isa sa kanila ang magpapatiwakal. Sa muli nilang pagkikita, madidiskubre nilang parte sila ng suicide letter nito at sila ang sinisisi ng yumaong kaibigan sa lahat ng kamalasan at paghihirap na pinagdaanan niya.

Ano nga ba ang nangyari sa party 10 years ago na naging dahilan para masira ang kanilang pagkakaibigan? Anong ginawa nina Thea, Sofia, Cheska at Hazel? Makabawi pa kaya sila sa dating kaibigan kahit wala na ito? Kainin kaya sila ng kanilang konsensya o muli nilang susubukan na ibaon na lang sa limot ang alaala ng nakaraan?

Ang Haslers ay suspense-drama Vivamax Original Movie ni Jose Abdel Langit. Makakasama rin nina Denise, Hershie, Angelica at Quinn sina Marco Gomez at Calvin Reyes bilang sina Alex at Gabby, ang dalawa sa maraming lalaki na magpapaiyak at magpapahirap sa buhay ng mga bida.

Walang sikretong hindi nabubunyag, kahit ilang taon pa ang lumipas.

Panoorin ang Haslers sa Vivamax simula December 8.

AUTHOR PROFILE