Chipeco Si Atty. Justin Marc “Timmy” Chipeco ay nagdeklara sa harap ng mga supporters na lalabang mayor ng Calamba City, Laguna. Kuha ni GIL AMAN

Deklarasyon ni Chipeco dinagsa

September 30, 2024 Gil Aman 373 views

HINDI inaasahan ni dating Calamba City Mayor Atty. Justine Marc “Timmy” Chipeco ang pagdagsa ng mga supporters na humikayat sa kanya upang lumaban alkalde kasabay sa isinagawang deklarasyon sa kanilang tahanan nitong Sept. 29, 2024 araw ng Linggo.

Emosyonal na humarap halos ang may mahigit 5,000 kataong dumalo upang saksihan ang sinserong deklarasyon para sa muling pagsabak bilang mayor ng lungsod ni Chipeco.

Ayon kay Chipeco, makailang beses niyang pinagaralan ang kahilingan ng mga kababayan na tumakbo siyang muli.

Kasabay nito ay inilunsad ang Calambalik na sinuportahan ng mga negosyante at iba’t-ibang sektor ng lungsod.

AUTHOR PROFILE