
Dayuhan nakitang naghihingalo sa hotel, namatay sa ospital
NAMATAY sa ospital ang isang 55-anyos foreigner na nakitang hirap na hirap huminga sa hotel sa Leon Guinto St., Ermita, Maynila Linggo ng madaling araw.
Hindi pa alam ang nationality nito ng dayuhan.
Ayon sa hotel staff na si John Leslie Benson, natagpuan ang foreigner na agaw buhay.
Base sa ulat ni Police Staff Sergeant Irene Jay Manalili na isinumite kay Police Capt. Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang 1:40 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa naturang hotel.
Ayon kay Benson, nag check-in ang biktima sa hotel bandang 10:00 ng gabi Sept. 30.
Patuloy ang pagsisiyasat ng mga pulis tungkol sa iba pang detalye tungkol sa nasabing dayuhan.