David

David may nararamdaman na kay Barbie

July 3, 2024 Aster Amoyo 72 views

David1David2TULAD ng successful tandem ng Star for All Seasons na si Vilma Santos at Drama King na si Christopher de Leon maging nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, it doesn’t have to be real na siya ring nangyayari ngayon sa matagumpay na loveteam sa pagitan ng Kapuso stars na sina Barbie Forteza at David Licauco na may kani-kanya nang respective loves sa tunay na buhay – si Barbie sa Kapuso actor na si Jak Roberto habang non-showbiz naman ang sinasabing girlfriend ni David.

Ang team-up nina Barbie at David ay nabuo sa hit TV series ng GMA, ang “Maria Clara at Ibarra” na nagsimula nung October 2022 at nagtapos nung February 2023. Ito’y nasundan sa TV adaptation ng pelikulang “Maging Sino Ka Man” nung September 2023 to November 2023. Ang serye ay hango sa 1991 hit movie ng Viva Films na pinagbidahan ng dating magkasintahang Sharon Cuneta at Robin Padilla ng pinamahalaan ng namayapang actor-director na si Eddie Rodriguez.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay tampok ang tambalang BarDa nina Barbie at David sa pelikulang “That Kind of Love” na magkakaroon ng premiere ngayong gabi (July 4) sa ganap na ika-6 sa Cinema 8 ng SM Megamall. Ang pelikula ay nakatakdang husgahan ng mga manonood sa mga sinehan simula ngayong July 10, araw ng Miyerkules. Ang nasabing romantic-comedy movie na pinamahalaan ni Catherine O. Camarillo was shot in the popular scenic spots in South Korea. Bukod sa pelikula ay inihahanda na rin ng Kapuso network ang bagong serye na pagbibidahan ng dalawa.

Samantala, may nakapagsabi sa amin na may nararamdam na rin umano si David for Barbie pero ayaw niyang makasira ng relasyon sa pagitan nina Barbie at Jak Roberto kaya nanligaw ito sa iba.

Masuwerte naman si Jak sa pagigiging tapat ng kanyang GF sa kanya at sa kanilang relasyon sa kabila ng matagumpay na loveteam ng BarDa.

Jennylyn walang balak lumipat kahit wala sa station ID ng GMA

JennylynJennylyn1PINABULAANAN ng kampo ng singer-actress na si Jennylyn Mercado na ito’y nakatakdang lumipat ng ABS-CBN kaya hindi ito naging bahagi ng bagong Station ID ng Kapuso Network.

Ayon sa longtime manager ni Jennylyn na si Becky Aguila, mananatiling Kapuso si Jennylyn for as long as gusto siya ng kanyang home studio na kanyang kinabibilangan since 2003 nang tanghalin siyang Female Ultimate Survivor sa reality talent search ng GMA, ang Starstruck Season 1.

Si Becky rin ang tumatayong manager ng husband ni Jennylyn, ang kanyang kapwa Kapuso actor na si Dennis Trillo na nasasangkot din ngayon sa kontrobersya.

Klinaro ng manager nina Jennylyn at Dennis na na-hack umano ang TikTok account ng actor at ibang tao umano ang nag-`comment’ sa kanyang sariling TikTok account. Nakikiusap din si Becky na itigil na umano ang pagkakalat ng mga false information lalupa’t kilala naman daw si Dennis sa pagiging humble at low key at hindi umano magbibitaw ng mga salita na makakasakit sa ibang tao laluna sa kanyang dating home studio, ang ABS-CBN.

So there!

Harvey isa sa pinakaabala sa ABS-CBN

HarveyACTOR-comedian and politician Herbert Bautista must be so proud sa kanyang bunsong anak na si Harvey Bautista (20) na isa ngayon sa busiest young actors sa bakuran ng ABS-CBN.

Harvey is practically seen simultaneously in three hit primetime TV series on ABS-CBN, ang “Pamilya Sagrado,” “High Street” at “Zoomers”.

Si Harvey ay youngest sa apat na anak ni Herbert at bunso sa dalawang anak niya kay Agnes `Tates’ Gana.

Ang nakatatandang kapatid ni Harvey na si Athena Bautista (Herbert’s only daughter) ay sumubok ding mag-showbiz.

Tulad nina Kathryn Bernardo, Julia Montes, Belle Mariano, Alexa Ilacad, Nash Aguas, Mica de la Cruz, Kiray Celis, Sharlene San Pedro, Miles Ocampo at napakarami pang iba, si Harvey ay nagsimula rin sa kiddie gag show, ang “Goin’ Bulilit” on ABS-CBN in 2011. Ang nasabing programa na brainchild ng singer, actor-comedian at director na si Edgar `Bobot’ Mortiz ay balik-TV simula nung nakaraang Lunes, July 4 na napapanood na rin sa ALLTV bago mag-TV Patrol.

Herbert tahimik sa political plans pati kay Ruffa

HerbertHANGGANG ngayon ay tahimik pa rin si Herbert Bautista

kung muli itong susubok sa pulitika sa darating na 2025 mid-term elections.

Low key rin ito pagdating kay Ruffa Gutierrez na kamakailan lamang kinumpirma ang kanilang relasyon.

Kung sa mga naunang karelasyon ni Ruffa (including her ex-husband, ang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas) ay hindi boto ang ina ng actress na si Annabelle Rama, kabaliktaran naman kay Herbert dahil boto sa kanya hindi lamang ina ni Ruffa kundi ang kanyang buong pamilya including Ruffa’s children (kay Yilmaz Bektas) na sina Lorin at Venice.

Nang dahil kay Herbert, tinapos ni Ruffa ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo and plans to take up her master’s degree.

Sina Herbert at Ruffa ay nagkalapit nang husto sa isa’t isa nang gawin nila ang romantic-comedy streaming TV series na “The House Arrest of Us” nung 2020 na pinagbidahan ng now separated couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Mga komedyante ngayon iba ang paraan para magpatawa

ComedianMASAYA at proud ang `Unkabogable Star,’ singer, actor-comedian at host na si Vice Ganda na sa kanya ipinagkatiwala ang comedy reality show na “Last One Laughing Philippines” now streaming on Prime Video. Tampok sa nasabing reality show ang mga komedyante sa kasalukuyang henerasyon tulad ng magkasintahang Jerald Napoles at Kim Molina, Negi, Chad Kinis, Rufa Mae Quinto, Jayson Gainza, Pepe Herrera, Empoy Marquez, Tuesday Vargas at Victor Anastacio.

Sa pamamagitan ng programa ay marami siyang discoveries sa mga guest comedians na may magkakaibang personalidad at brand ng pagpapatawa.

Sandara may isinamang K pop idol sa Bohol

SandaraSandara1KUNG hindi lamang na-disband nung 2016 ang sikat na K-Pop all-girl group na 2NE1 ay magsi-celebrate sila dapat ng kanyang 15th anniversary. May namumuong reunion concert sa grupong dating kinabibilangan nina Dara (Sandara Park), CL, Park Bom at Minzy, bagay na minimithi ng bawat isa sa kanila.

Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon ay niyakag ni Sandara ang kanyang longtime Korean actor friend na si Yung II-woo na sumama sa kanya sa Bohol where she shot the final episode ng kanyang YouTube series, ang “Dara Tour”. Ito bale ang first time ni Dara na magsama sa isang guy friend to travel with her.

Sobrang nagpasalamat kay Sandara si Jung II-woo dahil bukod sa first time niya sa Pilipinas, sobra umano siyang nag-enjoy sa Bohol.

Kung tutuusin, patuloy ang pagiging ambassador ni Sandara ng Korea to the Philippines dahil sa kanyang pagmamahal at malasakit sa Pilipinas kung saan siya unang sumikat matapos itong sumali sa isang teen-reality show ng ABS-CBN na siyang nag-build-up sa kanya bago siya naging malaking pangalan sa Korea bilang bahagi ng K-Pop group na 2NE1 at ngayon bilang solo artist.

Tulad ni Ryan Bang, may pusong Pilipino rin si Sandara na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalimutan ang pagsasalita ng Tagalog, ang kanyang mga Filipino friends at ang magagandang tanawin ng Pilipinas.

Ang ipinagtataka lamang ng mga fans ni Sandara ay kung bakit hanggang ngayon ay nananatili pa rin ilong single at loveless.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE