
DAVID, EXCITED MAKASAMA SI BARBIE SA KOREA
Nakatakda palang lumipad ang magka-loveteam na Barbie Forteza at David Licauco patungong South Korea ngayong Lunes para mag-shooting ng pelikula.
Ibinalita ito mismo ni David sa kanyang panayam sa 24 Oras at aniya ay sobrang excited na siya.
“Super excited of course, s’yempre it’s with Barbie and such a pleasure to work with her. I’m really excited for that,” ani David.
Sa pagbabalik nila sa ‘Pinas ay diretso pa rin sa trabaho dahil sisimulan naman nila ang bagong serye ni Barbie kung saan ay kakaibang David naman daw ang makikita sa kanya.
“Halos lahat ng shows ko lahat ng mga character ko mostly mayaman. This time it’s different so it’s something to look forward to,” sey ni David.