Aunors

Daniel, bet maka-collab ng pamangkin ni Ate Guy

October 26, 2023 Ian F. Fariñas 385 views

SI Daniel Padilla ang isa sa mga bet maka-collab ng baguhang singer na si Cool Cat Ash (a.k.a. Ashley Aunor), pamangkin ng Superstar na si Nora Aunor.

Si Cool Cat Ash ay kapatid ni Marion Aunor at bunsong anak ng dati ring singer-actress na si Lala Aunor, na present sa katatapos na launch ng bagong album niya na i find love. so. so. weird.

Dahil birthday din ng singer, kinantahan at binati siya ng kapatid, ina at press complete with cake and bouquet of flowers.

Ang i find love. so. so. weird., na mapapakinggan sa iba’t ibang music streaming platforms simula October 27, ay naglalaman ng 11 tracks na isinulat at iprinodyus mismo ni Cool Cat Ash.

Meron itong novelty at rock songs, pati na pop at upbeat songs.

Aniya, “Hindi ko in-expect na ilalabas ko itong songs in the first place. Star Music encouraged me to write more upbeat and pop songs because they believed in me, so I’m very happy that they supported me in that way.”

Sa key track na i find love. so. so. weird., ibinahagi ni Cool Cat Ash ang nakakakabang pakiramdam na mahulog para sa taong minamahal at kung paano nakakaapekto ang peer pressure mula sa iba’t ibang tao.

“It’s all about me finding love so weird kasi medyo allergic ako sa romantic love. I feel like I’m too scared to fall deeply in love and I’m scared of being vulnerable and intimate with anyone. For this, na-feel ko ‘yung peer pressure mula sa mga taong nahanap na ‘yung taong mahal nila,” kwento niya.

Sa edad na limang taong gulang, matatandaan na inilabas niya ang unang album na Gusto Kong Kumanta mula sa panulat ni Alex Catedrilla.

Pero, inihinto niya ang kanyang career para mag-focus sa pag-aaral.

Sa ngayon, kumukuha siya ng kursong Music Production sa Berklee College of Music Boston habang nagtratrabaho bilang songwriter, producer, sound engineer at DJ.

Pinangalanan siyang Rock Artist of the Year ng PMPC Star Awards 2022 at Novelty Artist of the Year naman noong 2021 habang ang awitin niyang Mataba ay hinirang naman na Novelty Song of the Year.

Bukod dito, bahagi rin siya ng songwriting at production duo na “Aunorable Productions” kung saan kasama niya si Marion.

Bilang recording artist, nakapaglabas na si Cool Cat Ash ng ilang awitin tulad ng Changes, Best Friend at Gone Too Soon.

AUTHOR PROFILE