Daniel at Kathryn kinantiyawan sa kasal ni Direk Cathy

May 11, 2023 Aster Amoyo 258 views

Kathniel1NAUWI sa kantiyawan ang beach wedding ng box office director na si Cathy Garcia-Molina at cinematographer na si Louie Sampana sa isang beach resort in Zambales dahil sa presence ng magkasintahan at magka-loveteam na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Si Kathryn ang nakasalo ng bridal bouquet habang si Daniel naman ang nakakuha ng wedding garter kaya nagsigawan ang mga bisita na ang dalawa na umano ang susunod na ikakasal. Pati ang pagsusuot ng wedding garter ni DJ kay Kathryn ay katakut-takot na kantiyawan ang inabot ng dalawa.

Bukod kina Kathryn at Daniel, kasama sa mga celebrity guest sina Alden Richards (na katambal ni Kathryn sa box office record-breaking hit movie na “Hello, Love, Goodbye” na dinirek ni Direk Cathy nung 2019), Ian Veneracion, Joross Gamboa, Jeffrey Tam at iba pa.

Hindi naman namataan sa kasal nina Direk Cathy at Louie ang iba pang malalapit na actors sa lady director tulad nina John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Sarah Geronimo, Piolo Pascual, Vice Ganda at iba pa.

Ricky humihingi ng tulong

RickyISINUGOD sa Philippine Heart Center ang actor-director na si Ricky Rivero matapos itong muling ma-stroke a few days ago.

Unang na-stroke si Ricky nung 2015 pero ito’y naka-recover at nakabalik sa trabaho.

Partially paralyzed ang kaliwang bahagi ng kanyang katawan kaya mananatili pa siya sa pagamutan ng dalawang linggo.

Since solo siyang namumuhay, humihiling ng tulong pinansyal si Ricky at sa lahat ng gustong tumulong ay maaaring magpadala sa kanyang GCash account number na 09950058066 under Ricardo Rivero.

Ricky is turning 51 on May 25 at lahat ng tulong ay magsisilbing advance birthday gift na rin para sa kanya.

Martin guest ni David Foster sa Las Vegas concert

MartinDavidCONCERT King Martin Nievera is honored to guest in Canadian veteran singer-songwriter, record producer, arranger and keyboardist David Foster’s two-day concert at Wynn in Las Vegas, Nevada sa darating na June 23 and 24, 2023 bilang bahagi ng kanyang “An Intimate Evening with David Foster Hitman Tour”.

“What an honor talaga. It was magical for us both and hopefully the entire family when I first sang with him at The Theater at Solaire and I am sure you had everything to do with that guesting so thank you!,” sagot ni Martin sa FB post ng kanyang sister at dating manager na si Gina Tabuena-Godinez.

May ilang beses na ring nagtanghal sa Pilipinas si David kung saan siya may huge following.

Bukod kay Martin, special guest performer din ni David ang39-year-old American singer-songwriter at actress si Katharine McPhee and other known world-class vocalists.

Umaasa naman ang Filipino fans ni David na sana’y isama niya ang Pilipinas sa kanyang tour with the same line-up of guest performers.

Alexa kasamang nagdiwang ni KD sa kaarawan

KDKD1KASAMANG nagdiwang ng singer-songwriter, composer at young actor na si KD Estrada (Kyle Daniel Magno Estrada) sa kanyang 21st birthday last May 3 ang kanyang ka-loveteam at rumored girlfriend na si Alexa Ilacad.

Sina KD at Alexa ay naging close sa loob ng “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10” nung isang taon na kanilang ipinagpatuloy paglabas nila ng PBB house.

Ang tambalan nina KD at Alexa ay isa ngayon sa mga loveteam na tinututukan ng ABS-CBN. Ang dalawa ay magkasama ngayon sa tumatakbong musical play ng PETA (Philippine Educational Theater Association), ang “Walang Aray” na inspired sa 1898 classic zarzuela ni Severino Reyes na pinamagatang “Walang Sugat”. Ang nasabing musical play ay nagsimula nung February 17, 2023 at magtatapos ngayong May 14, 2023. Abala rin ang dalawa ngayon sa taping ng kanilang bagong TV series, ang “Pira-Pirasong Pangarap” na unang kolaborasyon sa pagitan ng ABS-CBN at TV5.

Jane after ‘Darna,’ ano na?

JaneJane1AFTER “Mars Ravelo’s Darna,” kumusta na kaya ngayon ang 24-year-old actress at dating member ng dance group na Girltrends na si Jane de Leon?

Abala ngayon ang young star sa pagsu-shoot para sa iba’t ibang product endorsements at sa buwan ng Hunyo ay may bago siyang movie na sisimulan pero pahinga muna siya sa paggawa ng teleserye.

Walang alinlangan na ang iconic “Darna” ang biggest project na ginawa ni Jane kaya sobra ang kanyang pasasalamat sa Kapamilya network sa napakalaking break na ipinagkatiwala sa kanya.

Hindi ikinakaila ng young star na nagkaroon umano siya ng close bonding with Janella Salvador at Joshua Garcia na nakatrabaho niya sa Darna.

Unknown to many, si Jane ay dating contract talent ng GMA Artists Center mula 2013-2015 until her transfer sa ABS-CBN in 2015.

Maxine hands-on sa wedding kahit busy sa trabaho

MaxineNAKATAKDANG ikasal ngayong October 2023 ang dating beauty queen-turned actress na si Maxine Medina sa kanyang non-showbiz fiancé na si Timmy Llana, isang professional diving instructor. The two got engaged nung April 4, 2022.

Very hands-on si Maxine sa preparation ng kanyang nalalapit na kasal kay Timmy habang busy siya sa taping ng “Magandang Dilag” on GMA.

Since parehong mahilig sa beach ang engaged couple, gusto nilang magkaroon ng beach wedding after their church wedding.

Gusto ni Maxine na maging intimate lamang ang kanilang church wedding to be attended by their respective families and close friends habang karamihan ng kanilang mga bisita ay invited sa kanilang beach wedding at kasama na rito ang cast na nakasama niya sa “First Yaya” at “First Lady” TV series.

Si Maxine ay tinanghal na Bb. Pilipinas-Universe nung 2016 at naging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe pageant kung saan siya pumasok sa Top 6.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE