Sarah Larawan: Sarah Lahbati/IG

Dang!

September 16, 2024 People's Tonight 395 views

NAPANSIN ng netizens na mas blooming lalo ang aktres na si Sarah Lahbati lately. Ang sikreto sa kanyang pansinin na photos—vitamin sea.

Sa isang Instagram post, binagsakan ni Sarah ang netizens ng kanyang bakasyon sa Davao, ilan pa sa mga larawan ay ang kanyang sexy photo na kung saan ay akit na akit ang netizens.

Idinaan lang ng aktres sa Sun emoji ang post fit na fit sa kanyang katawan na nagpapainit sa katawan ng kanyang fans.

Sa suot niyang olive bikini, umapoy ang comment section at napa-“dang” na lang ang netizens sa jaw-dropping body ni Sarah.

“Go! Go! Go! Keep slaying and enjoy life being single!” Iyan naman ang sey ng isang netizen na support as happy life ni Sarah.

AUTHOR PROFILE