Cita

Dalawang bagong sexy drama tampok sa Vivamax

June 13, 2024 Ian F. Fariñas 1198 views

May dalawang bagong sexy drama ang Vivamax tungkol sa mga nakakaakit na kababaihan na hindi mo basta-basta malilimutan.

Abangan ang pagdating nina Cita at Nurse Abi sa Vivamax ngayong June 18 at June 21.

Ang unang movie offering ay tungkol sa isang babaeng gagawin ang lahat para sa masaya at maginhawang buhay.

Si Erika Balagtas ang bibida bilang si Cita. Isang pelikula mula kay MJ Balagtas, mapapanood din sa pelikula sina Zia Zamora, Arjay Bautista, Renzo Ruiz at Francis Mata.

Kilalanin si Cita, hindi maikakailang maganda at talaga namang kaakit-akit. Siya ay isang supportive na asawa sa mayamang haciendero na si Turo (Francis). Sa dinaranas na kumportableng buhay at magandang kinabukasan, ginagampanang mabuti ni Cita ang mga obligasyon niya kay Turo sa hacienda at lalo na sa pagiging asawa.

Ang hindi alam ni Cita ay may pagtataksil na ginagawa si Turo na may karelasyong iba — ang nakakahalina at misteryosang babae na si Vanessa (Zia). Si Cita naman ay hindi makakaiwas at unti-unting mahuhulog sa pagkaganda-gandang lalaking stepson ni Turo na si Aldoy (Enzo).

May malalim na sama ng loob at galit si Aldoy kay Turo. Gagamitin niya ang kahinaan ni Cita para akitin ito at kumbinsihin na sirain at ipahamak ang buhay ni Turo at pagkatapos ay aangkinin niya ang hacienda nito.

Bumigay kaya si Cita na pagtaksilan ang asawa at pumayag sa plano ni Aldoy? Kapag nalaman ba ni Cita ang tungkol sa lihim na relasyon ni Turo ay mas magkaroon siya ng rason para sumang-ayon sa plano ni Aldoy?

Abangan ang mga susunod na hakbang na gagawin ni Cita sa Vivamax ngayong June 18.

Ang isa pang kwento na mapapanood ngayong June ay tungkol sa isang dalaga na sa sobrang ganda ay gagawin mo ang lahat para lang mapasaiyo siya.

Si Alessandra Cruz ay si Nurse Abi, isang Vivamax Original Movie mula sa direksyon ni Dustin Celestino, na pagbibidahan din ni Vince Rillon.

Matapos mahimatay dahil sa sobrang pagod sa trabaho, magigising si Roy (Vince) sa office clinic at mahuhumaling sa ganda ng kanilang nurse, si Nurse Abi.

Magkakagusto si Roy kay Nurse Abi at pagpapantasyahan niya ito. Mag-iimbento rin siya ng mga dahilan, hahayaan ang sarili na magkaroon ng mga karamdaman at sasaktan pa ang sarili para lang makapagcheck-up at makasama si Nurse Abi.

Pero mukhang mauudlot at mabibigo pa ang pag-ibig na pinapangarap ni Roy dahil malapit nang umalis si Nurse Abi para magtrabaho abroad.

Kalaban ni Roy ang oras kaya kailangan niyang magmadali na umamin sa nararamdaman niya kay Nurse Abi bago pa mahuli ang lahat.

Maparating kaya ni Roy ang pagmamahal na mayroon siya para kay Nurse Abi bago ito umalis? O maging huli na ang lahat para sa kanya at katulad sa ibang bagay ay mapagod lang ulit siya?

Samahan si Roy sa kanyang misyon na mapaibig at makuha ang matamis na “oo” ng kanyang nurse. Panoorin ang Nurse Abi sa Vivamax ngayong June 21.

AUTHOR PROFILE