
Dalawa na Sinulog sa Cebu?
MUKHANG kakaibang Sinulog ang mangyayari sa Cebu City ngayong taon.
3rd Sunday taun-taon nagaganap ang biggest at grandest event sa Cebu kaya January 21 ito natapat ngayong buwan.
Pero sa January 14, nasa second Sunday pa lang ang Enero subalit mayroon nang mangyayaring Sinulog 2024.
Ang balita natin, may sariling Sinulog si Cebu Governor Gwen Garcia na itinakda sa Linggong paparating, Jan 14.
Hiwalay na ito sa Sinulog ng Cebu City na pamumunuan naman ni Mayor Mike Rama.
Sa tagisan ng dalawang Sinulog, mas grandioso ang petsang Jan 14 kumpara sa Jan 21 na original date ng festival.
Ayon sa ating source 26 teams ang participants sa Garcia Sinulog samantalang sa Rama Sinulog ay nasa 12 hanggang 14 lang.
Ibig sabihin ba nito, mas malakas ang hatak ni Gov Gwen kaysa kay Mayor Rama?
Karaniwan, inaabot ng pitong oras ang Sinulog Festival noong sentralisado ang petsa. Ngayong nahati ang participants, sabi ng mga tagal na dumadalo ng Sinulog mukhang matagal na ang dalawang oras dahil nga kokonti ang sumali sa Jan 21 original date ng festival.