TIMBOG Ang naarestong dalaga TIMBOG–Ang naarestong dalaga dahil sa paglabag sa Bouncing Check Law (Batas Pambansa BP-22). Kuha ni Jon Jon Reyes

Dalaga timbog sa tsekeng talbog

September 16, 2023 Jonjon Reyes 275 views

INARESTO ang isang 25-anyos na dalaga dahil sa pag-iisyu ng talbog na tsese sa Maka Diyos St., Quezon City Biyernes ng hapon.

Nahaharap sa paglabag sa Bouncing Check Law (Batas Pambansa BP-22 ) ang suspek na si alyas May, ng Jose Abad Santos Avenue, Tondo, Maynila.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Brillante Billaoac, station commander ng Manila Police District-Barbosa Police Station 14, bandang 4:00 ng hapon, nang isilbi ang warrant of arrest sa dalaga sa 996-1998 Isip Bldg., 2000 Jose Abad Santos Ave., Tondo, Maynila.

Inaresto ang suspek sa pangunguna ni Police Captain Fredwin Sernio ng investigation Section, kasama si Police Senior Master Sergeant Christopher Blanco at Ilan nitong tauhan.

Pinasalamatan ni MPD Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon ang mga pulis dahil sa kanilang agarang aksyon sa kaso.

TIMBOG–Ang naarestong dalaga dahil sa paglabag sa Bouncing Check Law (Batas Pambansa BP-22). Kuha ni Jon Jon Reyes

AUTHOR PROFILE