
DALAGA NADEDO SA MALL!
Biktima, 17, umakyat ng escalator, bumagsak, patay
NASAWI ang isang 17-anyos na dalaga matapos bumagsak sa ground floor ng isang mall sa lungsod Quezon ilang minuto matapos mahagip ng CCTV na umaakyat sa escalator sa ikatlong palapag ng establisiyemento.
Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, nangyari ang insidente bandang 4:30 ng hapon noong Biyernes, Marso17, 2023.
Ayon sa isang saksi na saleslady, abala umano siya sa pag aasikaso ng kaniyang paninda nang makarinig siya ng malakas na kalabog.
Agad niyang inalam kung saan nanggaling ang nasabing ingay at nadiskubre ang duguang katawan ng isang babae sa ground floor ng nasabing establisimento.
Naisugod ang biktima sa Commonwealth Hospital and Medical Centre ngunit idineklara itong dead on arrival sanhi ng grabeng pinsala sa ulo at katawan.
Nahagip sa CCTV footage ng nasabing mall na nakitang nakatayo ang biktima sa tabi ng isang escalator sa ikatlong palapag.
Makalipas ang ilang minuto ay bigla na lang nahulog ang biktima at lumagapak sa ground floor.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy kung my nangyaring foul play sa insidente.