Murder TIKLO–Ang naarestong bebot dahil sa kasong murder. Kuha ni Jonjon Reyes

Dalaga, 22, nalambat sa murder

June 27, 2024 Jonjon Reyes 70 views

ARESTADO ang 22-anyos na dalaga dahil sa kasong murder noong Miyerkules.

Namataan ng isang impormante sa Antonio Villegas St., Ermita, patungong Manila City Hall ang suspek na si alyas Laiza ng Brgy. Bangkal, Makati City.

Batay sa ulat ni Police Major Emmark Dave Apostol, hepe ng District Intelligence Division ll, Special Mayor’s Reaction Team (DID-2-SMaRT), bandang ala-1:00 ng hapon ng arestuhin ang dalaga sa tulong ng police asset.

Nabigla ang dalaga ng arestuhin ng mga tauhan ng SMaRT at saka pinosasan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Eduardo Ramon Roldan Reyes, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 15 ng Maynila.

AUTHOR PROFILE