
DA sisimulan na paggamit ng bakuna vs ASF sa Setyembr
SISIMULAN na ng Department of Agriculture (DA) ang paggamit sa bakuna kontra sa African Swine Fever (ASF) sa buwan ng Setyembre.
Sa pre-SONA briefing, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., maaring mai-roll out na ang government use ng bakuna sa mga susunod na buwan.
“Good news, the FDA has finally given the go signal for government use ng vaccine for pork- sa ASF, the DA will procure ng vaccine at magbibigay sa mga mahihirap na naghahayop na backyard, lalo na dun sa red zone o sa highly infected areas ” pahayag ni Laurel.
Prayoridad nilang mabigyan nito ang mga mahihirap na nagba-backyard farming lalo na sa red zone o mga nasa highly infected area.
Isasailalim naman sa anim na na buwan na monitoring ang bakuna at kapag maganda ang resulta, posibleng payagan na ito sa commercial use.
“Sana by September ma-roll-out na yan at ma-vaccinate na ang growers ng mga backyard,” pahayag ni Laurel.
“But for government use pa lang to, kasi basically minomonitor pa to 6 months for government use, then after that hopefully kung pumasa na lahat, ok lahat, for commercial use na,” dagdag ng kalihim.