
CTG member sumuko
KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Sumuko ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa mga otoridad sa Camp Colonel Jose P. Razon, Sitio Palico, Brgy. Bilaran, Nasugbu, Batangas noong Biyernes, ayon sa report kay Batangas police director P/Col. Jacinto R. Malinao Jr.
Isinuko ni alyas Maning ang sarili sa mga tauhan ng 2nd Batangas Provincial Mobile Force Company at Nasugbu Municipal Police Station (MPS) ng maayos, ayon sa mga pulis.
Isinuko rin ng CTG personality ang isang caliber .38 revolver, dalawang bala, isang 40-mm grenade, walong detonating cord, isang kahon ng ammonium nitrate at 1.5 litro ng gasolina.