
CRYPTIC POSTS NG MAG-INANG CARMINA AT CASSY IPINALIWANAG
Nagsalita na rin si Cassy Legaspi hinggil sa real score nila ni Darren Espanto matapos ngang magsalita ang singer na friends lang silang dalawa.
At tulad ng sinabi ni Darren, ganu’n din ang statement ni Cassy.
“It’s so hard to explain what we have, pero best friends talaga kami,” pahayag ni Cassy sa Unang Balita.
Nilinaw din ng dalaga na wala silang pinariringgan ng mommy niyang si Carmina Villarroel sa kanilang cryptic posts recently.
Matatandaang nagbahagi si Cassy sa kanyang Instagram Story ng kantang Favorite Crime ni Olivia Rodrigo.
Ang nasabing awitin ay tumatalakay sa failed relationship.
Si Carmina naman ay nag-post din ng makahulugang quotation na “don’t expect the same in return.”
Isa pang post ni Cassy ay ang lyrics ng awiting Ain’t Nobody Takin’ My Baby na “’cause hurt people hurt people, that’s a known fact.”
Hinihinala ng marami na patungkol kay Darren Espanto ang post ng mag-ina dahil nagsalita nga ang singer na magkaibigan lang sila ni Cassy.
Paliwanag ng anak ni Carmina, mahilig lang siya talagang mag-post ng mga kanta depende sa kanyang mood.
Ang ina naman niya ay mahilig mag-post ng Bible verses and quotes.