Default Thumbnail

Cristine at Marco kumpirmadong hiwalay

April 27, 2025 Vinia Vivar 80 views

Kumpirmado raw na hiwalay na sina Marco Gumabao at Cristine Reyes. Ito ay ayon sa reliable source ni Ogie Diaz.

Sa latest episode ng vlog ni Ogie, sinabi ng talent manager/online show host na isang malapit kina Marco at Cristine ang nagsabing break na ang dalawa.

“Well, kinumpirma ito sa atin ng isang malapit sa dalawa. Yes, split na sila,” sey ni Ogie.

Pero ‘yun lang daw ang itsinika ng kanyang source at hindi na sinabi ang dahilan ng umano’y breakup ng dalawa.

“Basta pareho raw nalungkot sa nangyari ang dalawa, na ang relasyon ay umabot din ng dalawang taon. Kaya hintayin natin kung sino sa dalawa ang unang mag-iispluk,” ani Ogie.

Aniya pa, posible na after elections pa magsalita si Marco if ever.

Tumatakbo kasi ngayon ang aktor bilang kongresista sa 4th district ng Camarines Sur.

Nagsimula ang tsikang hiwalay na ang dalawa nang mapansin ng netizens na naka-unfollow na sa IG ang mga ito sa isa’t isa. Bukod dito ay wala na ring post ang magdyowa lately ng mga larawan nila together.

Sa ngayon ay wala pang pahayag sina Marco at Cristine about the breakup issue.

AUTHOR PROFILE