
Cristine at Marco, hiwalay na?
Usap-usapan din ng netizens sa social media ang pag-unfollow sa isa’t isa sa Instagram ng magdyowang Cristine Reyes at Marco Gumabao.
Kaya naman ang tanong ng lahat ay kung hiwalay na ba ang dalawa.
Isa pang napansin ng netizens ay walang post sina Cristine at Marco na magkasama lately.
Upon checking sa IG ng aktor, ang huling post pa niya ng larawan nila ng girlfriend na magkasama ay noong Pebrero pa habang ang aktres naman ay hindi na namin makita ang photos nila together dahil marahil sa tagal.
Hindi ito ang unang pagkakataon na natsismis na hiwalay na sina Cristine at Marco.
Kung matatandaan last year ay naging issue ang pagde-deactivate ng IG ni Cristine na nasabay pa sa birthday ng aktor.
Lalo pang lumaki ang ispekulasyon nang wala ang aktres sa birthday celebration ni Marco.
Pero natigi din ang haka-haka nang mag-post si Cristine ng sweet photos nila ni Marco bilang patunay na okay na okay pa rin ang kanilang relasyon.