
Cowgirl
SA beach man nagbakasyon si Miss Earth Philippines 2020 at Kapuso actress na si Roxie Smitha, “cowgirl” naman ang sinisigaw ng kanyang awra.
Sa Instagram, bet na bet magpasakay ng mga barako sa beauty queen-actress dahil sa “on top” nitong kaseksihan sa mga larawang ibinahagi niya.
Hirit pa nga niya sa caption “Howdy.”
Lahat nga ay nagulat ng buksan niya ang pinto ng pantasya ng mga kelot, galaw nila’y biglang nahinto sa patakam overload ni Roxie.
Bongga ang mala-anghel na kariktan ng bebot, pero halimaw naman ang ibinubuga nitong hotness sa suot niyang summer outfit habang nasa beach ng Cebu.
Swabeng-swabe at banayad ang patakam ni Roxie. Maging ang kanyang facial expression na para bang may pang-aakit na dala-dala ay tila ikaaangat ng libido ng mga kelot.
Pinusuan ng netizens at binaha nila ng reaksyon ang nasabing mga larawan ng Kapuso actress.
“GRABE SIYAAAA omg what a stunner,” banat pa ng isang netizen. “Ginalingan naman po,” sey pa ng isang IG user.