
Coun. Alfred at Cong. PM, nag-carwash boys sa mga Koryanong kapitbahay
GRABE pala ang dinaanan ng magkapatid na Councilor Alfred at Cong. PM Vargas habang lumalaki sila, lalo na nu’ng panahon na nagbagsakan ang mga negosyo ng kanilang pamilya.
Kaya naman pala ganu’n na lang ka-tight ang relasyon ng magkapatid magpahanggang ngayon na pareho na silang achievers.
Lalo pang tumibay ang samahan ng mag-kuya’t mag-bestfriends nang yumao ang kanilang ama’t ina.
Sa intimate chikahan kamakailan kasama ang entertainment press, isa-isang binalikan nina Coun. Alfred at Cong. PM ang mga hirap at pagsubok na pinagdaanan nila habang lumalaki sila.
Kwento ni Coun. Alfred, “There was a time na when we were kids, when we were studying, na may nakahain na na rice sa dinner table, hinihintay lang namin ‘yung mommy namin na dumating.
Kasi siya ‘yung may dala nu’ng ulam. Eh, ‘yung pambili ng ulam, inutang lang din niya sa officemate niya. May ganu’n kami.”
Government lawyer ang trabaho ng yumaong ina ng Vargas brothers.
Si Cong. PM naman, hindi umano mawala sa isip niya ‘yung panahong namili sila ng school supplies tapos ang kinain lang nila ay kanin at fish balls.
“Masarap siya,” aniya.
“Damihan mo ‘yung sauce para mas maraming makain. Merong ganu’n,” dugtong ni Coun. Alfred.
Bukod dito, umabot din daw sila sa pagtitinda ng mga nahuhuling gagamba. Sa barkada, piso isa pero ‘pag sa mga taga-Ateneo, P20 na.
Sa halagang ‘yon daw, may packed lunch na at popsicle, drumstick o iced buko pa.
“’Yun ang nilaban ng parents namin, mahirapan na lahat basta mabigay sa amin ‘yung magandang education,” pagbabalik-tanaw ni Cong. PM.
‘Yun din daw ang gusto nilang gawin ngayon sa mga anak nila. Ayaw na rin nilang maranasan ng mga ito ang hirap na dinanas nila while they were growing up.
“Ayaw na naming makatanggap ng sulat na ‘magbayad na kayo ng tuition dahil kung hindi, hindi na makakapasok.’ Ayaw na naming makatanggap ng ganu’n ang mga anak namin,” giit pa niya.
“That time, nagka-carwash boy pa kami sa mga kapitbahay naming Koreans, so siguro, sinubok din kami ng panahon,” banggit naman ni Coun. Alfred.
Looking back, pinagpapasalamat ng magkapatid ang mga karanasang ito dahil ito raw ang humubog sa kanila para maging masigasig sa buhay at maging efficient, honest at reliable public servants.