Default Thumbnail

Congressman Erice kakandidatong alkalde sa Caloocan City

October 9, 2021 Allan L. Encarnacion 545 views

Allan EncarnacionHALOS kumpleto na ang mga inaabangang kakandidatong Pamgulo sa 2022.

Sina Bongbong Marcos at VP Leni ang dalawa sa pinakahuling nagsumite ng kanya-kanyang COC.

Nauna nang nag-file sina Isko, Pacman at Ping.

Isa na lang ang kulang. Pero natapos na ang deadline ng COC kahapon, Oktubre 8 pero walang Sara Duterte ang nag-file.

Hanggang Nobyembre 15 ang last day for substitution of candidate.

Nanindigan si Sara na hindi kakandidato sa pagkapangulo kahit siya pa ay numero uno.

Abangan natin dahil sabi nga, walang matigas na pandesal sa mainit na kape!

***

Umatras naman si Bam Aquino sa pagtakbo sa Senado para magpokus sa pagiging campaign manager ni VP Leni for President.

Sa pinakahuling survey, si Bam ay nasa rank 13th-15th, ibig sabihin, mataas ang probability na makapasok siya sa magic 12. Mabigat na sakripisyo ang hindi niya pagtakbo.

Naghihinayang tayo kay Bam kasi bukod sa brilliant mind, matinong tao ito at disente.

Sa tingin ko, si Bam ang rare breed sa hanay ng mga Aquino.

***

Bakit wala pa ring nakakasuhang pulitiko sa maeskandalong multi-million Tupad program ng DOLE sa Quezon City?

Ang pinakamalaking kasalanan ng mga pulitiko ay ang agawan ng makakain ang mga mahihirap nating kababayan. Bibigyan kuno ng trabaho para sa P14,000 monthly salary pero P4K lang ang ibibigay at kukupitin na ang P10k!

Digital na ang karma ngayon pero wala pa ring takot ang mga halimaw na pulitiko na sangkot dito.

Sana lang huwag nang makabalik sa posisyon ang ganitong pulitikong astang makamahirap pero promotor sa pagpapahirap sa kanilang mga nasasakupan.

***

Nag-file na ng certificate of candidacy si Caloocan City 2nd District Congressman Egay Erice para sa pagktabo niyang alkalde sa susunod na taon.

Si Erice ang nag-iisang pulitiko sa Caloocan na walang kamag-anak sa pamahalaang lokal.

Kuwento ng mga kaibigan ko sa Caloocan, pinagbawalan ni Erice ang kanyang kapatid nang minsang magtangkang kumandidatong kapitan ng barangay.

Ayaw umano baliin ni Erice ang ipinangako niyang walang susulpot na kamag-anak niya sa pulitika sa lungsod hangga’t nasa posisyon pa siya.

Si Erice ang isa sa mga main author ng anti-political dynasty sa Kongreso kaya puwede nating sabihing may mga pulitiko pa rin na hindi lang lip service ang lakad.

Sabi nga, walking the talk. Paniwala ni Erice, hindi ka puwedeng magturo ng tama kung ikaw mismo ang gumagawa ng mali.

By the way, si Erice ay kakandidato sa ilalim ng tiket ni Yorme Isko na kandidato namang Pangulo sa partidong Aksiyon Demokratiko.

[email protected]