
Comparison sa KathDen movie walang kaso kina Kira at LA
Hindi raw inunahan o ginaya nina LA Santos at Kira Balinger sina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa pagpapalabas ng kanilang pelikulang “Maple Leaf Dreams” na parehong nag-shooting sa Canada.
Ipalalabas na kasi sa mga sinehan sa Sept. 25 ang “Maple Leaf Dreams” habang ang KathDen movie na “Hello, Love, Again” ay sa November pa.
Pareho rin ang premise ng dalawang pelikula na tumatalakay sa mga OFW sa Canada.
For one ay last year pa natapos nina LA at Kira ang movie kaya talagang nauna sila sa KathDen.
Wala namang problema kina LA at Kira kung naikukumpara ang movie nila sa iba.
“Sobrang happy ako na nag-Canada kami na Alden and Ms. Kathryn,” natatawang sabi ni LA sa red carpet premiere night na ginanap last Friday night.
“I’m very happy na mabanggit lang na kasama sila at sobrang blessing naman talaga po na makapunta sa Canada,” dagdag pa niya.
Two weeks nag-shoot sina LA at Kira with Direk Benedict Mique and the other cast at aminado ang dalawa na mas lalo silang naging close while shooting.
“I’m just very lucky to be given the chance na maka-work si Miss Kira. Talagang grabe ‘yung dedication niya sa trabaho at sa pamilya na rin,” sey ni LA.
Dagdag pa niya, “Sobrang swerte ko talaga na nagkaroon ako ng chance na mas makilala pa si Kira. Saka grabe siya, grabe siyang leading lady saka alam ko na mas malayo pa ang mararating niya.”
Marami nga ring challenge na pinagdaanan ang buong team habang nagsu-shoot sa Canada, unang-una na ang sobrang lamig ng weather pero sulit naman daw ang lahat ng hirap lalo nang marinig nila ang magagandang papuri sa movie.
Produced by Lonewolf Films in cooperation with JRB Creative Production and Star Magic, kasama rin sa cast sina Snooky Serna, Joey Marquez at marami pang iba.