
Commercial spaces sa train stations pag-isahin para govt kumita–Cayetano
GUSTO ni Sen. Alan Peter Cayetano na pag-isahin ang pagbuo ng mga commercial spaces sa mga istasyon ng tren para maging praktikal at mapagkakitaan ng gobyerno.
Ipinanukala ito ng senador sa plenary debate ng 2024 budget ng Department of Transportation (DOTr) noong Martes.
“We haven’t found a good economic model ng trains so much so na panay utang [tayo] sa Japan at China (to build our train systems),” sabi ni Cayetano sa mga DOTr officials na nasa Senado.
“Kasi kung maganda ang model ng trains natin at economically feasible business-wise, dapat nag-uunahan na magpropose ng mga train ang biggest businessmen,” sabi ng senador.
“I’d like the DOTr to take this as a mission to find a way to make trains economically feasible whether in advertising revenue or real estate component,” dagdag niya.
“One of those that are making money is MTR (Mass Transit Railway) in Hong Kong because they own the real estate.
The other one that is break-even or earning is the Japanese. When you go to Japan, y’ung pinaka-ordinaryong overhead na train ay may kainan sa ilalim o may bentahan ng mga old records, etcetera. Then y’ung magandang Central Station is a real mall,” aniya.
Wika niya, baligtad ang sitwasyon sa Pilipinas kung saan kinakailangan pa ng mga may-ari ng mall na mag-lobby para magkaroon sila ng koneksyon sa tren.
Dapat aniya, i-bid out ito sa kanila o kaya’y gawing may-ari ng mga istasyon ang train corporation.
Ayon kay Sen. Grace Poe, sponsor ng DOTr budget sa Senado, tinitingnan na ng DOTr ang planong ito. Aniya, 11 istasyon na ang natukoy na may mixed-use development.
Nagpahayag naman si Cayetano ng tiwala sa DOTr sa usaping ito.
“I appreciate the work that you are doing. Let us just do whatever we can do with the present contracts para lang lumiit ang subsidy. And for future plans, for example light rail, I’d like to see DOTr be creative and think like a business person,” sabi niya.