Micaella Larawan mula sa IG/Micaella Raz

Come with me

July 21, 2024 People's Tonight 412 views

TILA malalagay sa “hot seat” ang mga bibisita sa page niya dahil pagpapawisan ang mga ito sa ginawang pagbukaka ng Vivamax actress na si Micaella Raz habang nakaupo.

Sa Instagram page ni Micaella, bumulaga ang fierce na fierce na sexy star habang naka-spread ang legs sa harap ng camera.

Sigaw nga ng followers niya sa kanya, “hot!” ang inihain niyang patakam.

Tampok si Micaella sa kalalabas pa lang na Vivamax original film na pinamagatang ‘Kaulayaw’ sa direksyon ni Iar Arondaing. Kasama niya sa nasabing proyekto sina Robb Guinto at Matt Francisco.

Makikita sa mga larawang ibinahagi niya ang todo-bukaka na si Micaella habang nasa sofa, suot ang nakataas na puting white dress, wagas ang sumisirit niyang sex appeal.

May madadagdag na naman sa mga pangarap ng kanyang male fans. Sure na gugustuhin nilang maging sofa para sila ang uupuan ni Micaella at live na masasaksihan ang kanyang pagbukaka.

Sa comment section nga ay puring-puri mula sa mga nakapanood na ng kanyang pinaka bagong proyekto ang performance ni Micaella. Pinusuan nila ang nasabing mga larawan ng aktres.

Bukod sa mga bagong pelikula, nakilala rin si Micaella sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Sabel Is Still Young (2022), Boso Dos (2023) at Virgin Forest (2022).

AUTHOR PROFILE